Inihayag ng US biotech firm Moderna na itutuloy nila ang regulatory approval para sa kanilang COVID-19 vaccine sa mga kabataan na may edad anim na taong gulang pababa, matapos madiskubreng ligtas ang two-shot regimen at nakakapag-produce ng malakas na immune response.
Kaugnay nito, ang dalawang doses ng 25 micrograms na ibinigay sa mga sanggol, toddlers at preschoolers ay nakapag-generate ng kaparehong levels ng antibodies sa dalawang doses ng 100 micrograms na ibinigay sa 18-25-taong gulang, na nagsasaad na mayroon silang kaparehong lebel ng proteksyon.
Mababatid na ang mga kabataan na anim na taong gulang pababa, ang natitirang age group na hindi pa nakakatanggap ng Covid-19 vaccine sa United States.

Ayon sa US biotech firm, may clinical data na sila ngayon hinggil sa performance ng kanilang mga bakuna mula infants na anim na buwan hanggang sa older adults.
Kaugnay nito, ang vaccine efficacy sa mga anim na buwan hanggang dalawang taong gulang ay 43.7 percent, at para naman sa dalawa hanggang limang taong age group, ay nasa 37.5 percent ang efficacy. //MHEL PACIA-TRINIDAD