Early teenage pregnancy case sa lungsod ng Naga, ikinaaalarma pa rin ng CPNO

NAGA CITY – Ikinaaalarma parin ng City Population and Nutrition Office (CPNO) ng Naga ang patuloy na pagkakaroon ng kaso ng mga kabataang babaeng maagang nabubuntis o early teenage pregnancy sa lungsod.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Joy Felix Macaraig, Population Program Officer IV ng CPNO, sinabi nitong noong 2020 nasa 293 kabataang babae ang naitalang nagbuntis. Sa mga ito , 13 taong gulang ang pinakabatang nabuntis at 39 na riyan ang dalawang beses ng nanganak. Hindi aniya dapat na makapante kahit mas mababa ang bilang kung ikukumpara noong 2018, 328 ang naitala at 14 taong gulang ang pinakabata, at 42 ang dalawang beses ng nakapanganak. Tumaas ito sa 371 noong 2019, 14 taong gulang rin ang pinakabata at 53 ang dalawa na ang mga anak, maging ngayong nagdaang taon marami pa rin ang bilang na naitatala.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Nakikita kasi ng opisina na pataas ang bilang ng mga kabataang maaagang nabubuntis simula 19 taong gulang pababa dahil kung matatandaan kasagsagan ng mga lockdown at at restrictions noong 2020 kaya hindi nakapagparehistro sa Civil Registry kung saan doon sila kumukuha ng datos. Nakita rin ang lockdowns sa daan ng pagbubuntis.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Kaya naman bukas ang kanilang opisina para sa mga ganitong kaso, katunayan aniya napakaraming programa ang isinasagawa nila upang kahit papa-ano mabawasan ang bilang ng mga maagang nabubuntis sa lungsod, isa na ang Naga City Teenage Counselor ng naturang opisina kung saan nagsasagawa ng mga counselling program para magbigay ng mga payo sa mga kabataang maagang nabuntis.