Patay ang 45 anyos na lalaki sa Tarlac city, matapos pugutan ng ulo ng suspek na may problema umano sa pag iisip.
Kinilala ang biktima na si Vivencio Colipano habang ang suspek ay nagngangalang Rommel Apolinario, 42 anyos.
Nangyari ang krimen sa Sitio Paruba 1,bgy Tibag kaninang tanghali.
Batay sa police report, napadaan ang biktima na nagmamaneho ng kanyang tricycle sa harap ng bahay ng suspek, nang bigla sya nitong atakehin saka pinugutan ng ulo.
Binitbit pa ng suspek ang pugot na ulo ng biktima sa gitna ng kalsada.
Nabaril naman ang suspek sa binti matapos na akma nitong susugurin ng itak ang mga rumespondeng pulis.
