E-Bikes na nahuhuling lumalabag sa trapiko sa Naga City, naka-impound sa City Hall

NAGA CITY –Naka-impound sa city hall ang mga E-Bike units na nahuhuli ng mga personahe ng Public Safety Office na lumalabag sa trapiko at posibleng hindi na ito makuha pa ng mga may-ari depende sa violations na nagawa ng driver at operators ng mga ito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Boboy Hernandez,head ng Naga City Bicycle Board, sinabi niyang mayoriya sa mga nahuling E-Bikes ay namamasada na at tumatakbo pa sa mga national highway na mahigpit na ipinagbabawal sa ganitong uri ng sasakyan na wala namang prangkisa.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Unfair naman anya sa mga public utility vehicles na may prangkisa at kompletong papeles para kumayod dahil namgiging kakompentensiya ang mga E-Bikes na ito na mga illegal na namamasahero, sabi pa ni Hernandez.