Isang opisyal ng BFP, nasawi matapos mag-collapse habang nag eehersisyo sa QC

Nagdadalamhati ngayon ang Bureau of Fire Protection sa pagpanaw ng isa sa kanilang mataas na opsiyal.

Kinilala ang opisyal na si Fire Chief Superintendent Vonrad Fernando Benemerito Dobluis, Director for Logistics ng BFP.

Read More:  23-year-old student faces complaint over alleged upskirting incident in Muntinlupa

Ayon sa BFP, binawian ng buhay si Dobluis matapos na magcollapse habang nagjojogging kahapon ng umaga sa paligid ng University of the Philippines sa Quezon City.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Naisugod pa sa UP Clinic ang opisyal ngunit idineklarang dead on arrival.