Duterte – Posibleng VP bid, dahil sa pagkadismaya sa Sara candidacy

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng siyang tatakbo bilang pangalawang pangulo sa 2022 elections, upang ipakita ang kanyang pagkadismaya sa kanyang anak na si Sara Duterte-Carpio, na tumakbo sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Noong Sabado nang maghain si Duterte-Carpio ng kanyang certificate of candidacy pagkapangalawang pangulo sa ilalim ng Lakas-CMD party, bilang substitute kay Lyle Uy.

Amindo naman si Duterte na nasurpresa siya na pinili ng kanyang anak na tumakbo pagka-VP, gayong batay sa mga surveys, lumalabas na siya ang preferred candidate pagkapangulo.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Kaugnay nito, kumbinsido ang pangulo na VP bid ng alkalde ay desisyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. //MHEL PACIA-TRINIDAD