Minomonitor ng Department of Health (DOH) ang transmissibility ng Delta sublineage, o unang nakilala bilang Kappa variant.
Nabatid na nakapagtala na ang DOH ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 na may B.1.617.1 variant sa Floridablanca, Pampanga noong November 8.
Kasabay nito, nagbabala ang ahensya sa mga tao na huwag maging kampante, dahil may mga kaso pa ng mas nakakahawang Delta variant sa bansa.

Batay sa datos, mula September 13, nakadetect na ang Pilipinas ng 2,708 cases ng Delta variant. //MHEL PACIA-TRINIDAD