Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina presidential aspirants Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo ay mga pro-communists.
Ayon kay Duterte, ito ang dahilan kung bakit hindi niya sinusuportahan si Marcos Jr.
Para naman sa kanyang presidency, iginiit ng punong ehekutibo na sinabihan niya ang militar na huwag makialam sa kanya, dahil ginagawa lang umano niya ang kanyang trabaho, para makamit ang kapayapaan sa bansa.

Sa kabila nito, binigyang diin ng pangulo na nais ng kumunista na makapasok sa gobyerno. //MHEL PACIA-TRINIDAD