Ikinokonsidera ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipagpulong sa mga dating presidente ng Pilipinas, para talakayin ang mga isyu sa West Philippine Sea, na una nang pinagdebatehan ng mga opisyal at legal experts.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang pulong sa mga dating chief executives ay mas magiging conducive sa halip na ipatawag ang National Security Council (NSC) na unang iminungkahi ng dating Armed Forces chief.
Dagdag kasi ni Roque, na batay sa karanasan ng pangulo sa mga NSC meetings ay wala umanong nareresolbang isyu, kaya nag-isip umano ito ng ibang paraan.
Ang NSC ay binubuo ang pangulo, bise presidente, Senate presidente, House Speaker, head ng bawat Executive Department, Chairman ng Committee of National Defense sa Senado at sa House of Representatives, at ang Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, kung saan sila ang inatasan na gumawa ng mungkahi o payo kaugnay sa usapin ng national defense, at gumawa ng rekomendasyon sa ilang usapin.
Samantala, iginiit naman ni Roque na walang kalituhan sa posisyon ng pangulo kaugnay sa West Philippine Sea. // MHEL PACIA