Gov’t mahigpit na binabantayan COVID-19 surge sa ibang mga rehiyon

Iginiit ng Palasyo na on top of the situation ang gobyerno sa gitna ng napaulat na pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa ibang mga rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa Puerto Princesa City, Palawan ang pandemic task force para mag-assess sa kanilang COVID-19 response needs, bilang isa sa mga hakbang ng pamahalaan.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dagdag ni Roque, dinagdagan narin umano ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang naturang lungsod ng mas maraming antigen test kits.

Una nito, hiniling ng mga opisyal mula sa mga lungsod  ng Cagayan de Oro sa Misamis Oriental at Puerto Princesa ang mas maraming vaccine doses mula sa national government, dahil sa tumataas na COVID-19 infections.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang naturang mga lungsod, kabilang na ang Bacolod sa Negros Occidental, ay tinukoy bilang “areas of concern” ng OCTA Research Group. // MHEL PACIA