PH naitala ang 6,100 pang COVID-19 infections; Active cases halos 52K pa

Inanunsyo ng Department of Health ang 6,100 pang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan para lalo pang sumipa ang total case count sa 1,165,155.

Kaugnay nito, 51,912 o 4.5% pa ang active cases, kung saan 93.1% na mga pasyente ay nakakaranas ng mild symptoms, 2.1% ang asymptomatic, 1.5% ang critical, 2% ang severe at 1.31% ang moderate cases.

Kinumpirma rin ng DOH ang 135 pang fatalities, dahilan para tumaas ang death toll sa 19,641.

Samantala, 4,071 naman ang naidagdag sa survivor count, para tumaas sa 1,093,602 ang total recoveries.

Ibig sabihin, 93.9% ng total infected ay gumaling na mula sa respiratory disease. // MHEL PACIA