Ipinag-utos ni Pangulong President Rodrigo Duterte ang pagbuo ng Overseas Filipino Workers (OFWs) Hospital.
Sa kanyang nilagdaang Executive Order No. 154, inatas ni Duterte ang pagtatayo ng ospital, maging ng Inter-Agency Committee on the OFW Hospital (ICOH).
Ang ICOH ay pamumunuan ng Secretary of the Department of Labor and Employment at co-chaired ang Secretary of Health.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cabinet secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ikinokonsidera ang pagtatayo ng naturang specialty hospital na para lang sa mga OFWs, bilang long overdue recognition sa valuable contribution ng Filipino migrant workers sa ekonomiya at sa bansa. //MHEL PACIA-TRINIDAD