Duterte, hiniling ang malinis, tapat at patas na halalan para sa kanyang kaarawan

Kasabay pagdiriwang ng kanyang ika-77 kaarawan, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malinis, patas at tapat na halalan ngayong Mayo.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, magsasagawa si Duterte ng simple at tahimik na birthday celebration sa Davao City.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sa gitna nito, pinasalamatan ni Andanar ang pangulo sa pagbibigay inspirasyon sa iba pang mga government officials.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Hiniling rin ng kalihim ang good physical at mental health ng pangulo, upang maitaguyod nito ang pagsilbi sa interest at pagbibigay ng maayos na buhay para sa mga Pilipino.