Bloodletting activity ng DOST, naging matagumpay kasabay ng paggunita ng national women’s month

LEGAZPI CITY – Naging matagumpay ang isinagawang bloodletting activity ng Department of Science and Technology (DOST) Bicol – Gender and Development Team kasabay sa paggugunita ng National Women’s Month.

Ang programa ay nakalikom ng total of twenty-four bags of blood na naglalaman ng halos 400 cc ng dugo mula sa DOST-V employees.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ayon kay Krisha Andes, Health Program Officer-II ng Department of Health (DOH) Bicol, marami na ang matutulungan ng mga bags ng dugo na nakolekta sa programa.

Ang nasabing programa ay naging matagumpay sa pakikipag-ugnayan ng ahensya sa DOH Bicol at Legazpi City Health Office na siyang nagsagawa sa pagsusuri at pagkolekta ng mga yunit ng dugo.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Naglalayon ng ahensya sa kanilang taunang kampanya ng donasyon ng dugo na madagdagan ang pagkakaroon ng suplay ng blood banks upang makatulong, makapagligtas, at mapalawig ang buhay ng mga nangangailangan nito.