DTI Rolling Store patuloy na dinadala sa iba’t- ibang bayan sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Patuloy na dinadala ngayon ang Diskwento Caravan sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan at mga participating retailers at manufacturers.

Anim na bayan na sa lalawigan ang napuntahan ng DTI Rolling Store kung saan ang mga residente ay maaaring makabili ng mga pangunahing bilihin at iba pang mga produkto sa mas murang halaga.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Kahapon ay ginawa ang Diskwento Caravan sa bayan ng Labo.

Ang mga natitira pang bayan na tutunguhin ng DTI Rolling Store sa mga susunod na araw ay ang Paracale, Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Capalonga at Sta Elena.

Ang Diskwento caravan ay isang regular na proyekto ng DTI na naglalayong mabigyan ng access ang mga consumer sa basic goods, at prime commodities sa mababang presyo sa pamamagitan ng paglapit sa kanila sa mga manufacturers at retailers.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nasa lima hanggang dalawampung porsiento ang ibinibigay na diskwento.

Pero ang maganda nito ay ang mismong DTI Rolling Store na ang inilalapit sa mga tao na malaking tulong lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Mahigit sa sampung mga retailers ang nakikilahok sa DTI Rolling Store sa pagtungo nito sa iba’t- ibang bayan.