LEGAZPI CTIY – Isinagawa kahapon ang Joint Venture ng City Local Government Unit ng Legazpi at Barangay Imalnod ang Ground Breaking Ceremony ng Proposed Construction ng Water supply sytem na pinangunahan ni Mayor Noel Rosal, kasama ang Punong Barangay Valentino Llaneta, SK Chairperson Beberlyn Bitancur, City Engineering Office Engineer Clemente Ibo, Myembro ng Sangguniang Panlungsod at iba pang opisyal ng barangay.
Ayon sa Alkalde, hindi na mangangailangan ng kuryente para sa gagawing water supply system dahil sa maglalagay na lamang ito ng solar power.
Aniya, para matiyak na patuloy ang pagbibigay ng water supply sa mga residente ay maglalagay ito ng tangke at maghuhukay muna ng 180ft at tatakbo lamang ito ng 1 hour power.
Aabot din P500k to P600K ang budget ng barangay at local pamahalaan sa nasabing proyekto.
Ayon din kay Kapitan Llaneta, matagal ng pinaplano ng barangay na magkaroon ng sapat na tubig sa pang araw araw.
Aabot sa mahigit 100 ang mabebenipisyuhan ng proyekto ng Lgu Legazpi at Barangay.
Samantala, Ayon kay Sk Chairperson Beberlyn Bitancur, laking pasasalamat nito sa Alkalde sa pagtulong na magkaroon ng water supply system ang kanilang barangay dahil ito ang pangunahing problema ng mga residente.
Dahil dito, masosolusyunan na rin ang kakulangan sa supply ng tubig at hindi na rin kailangan maglakad ng napakalayo para lang pangangailangan.
Maliban pa dito, tumulong na rin na mga pribadong sektor para lang magkaroon ng supply tubig subalit hindi pa rin sapat
Kung matatandaan nito lamang nagdaang mga buwan, maging ang AKB partylist ay nagpagawa rin ng water supply system sa centro ng Barangay Imalnod.