CAMARINES NORTE- Nagtungo ang Department of Trade and Industry (DTI) nitong Biyernes sa bayan ng Basud Camarines Norte para sa buong araw na Diskwento Caravan.
Ilang retailers ang nakilahok sa DTI Rolling store na ginanap sa Old Sports Complex sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan.
Tampok sa DTI rolling store ang iba’t- ibang produkto na murang mabibili ng mga kunsyomer tulad ng kape, pansit tinapay, kakanin, hygiene products at iba pa.
Layon ng Diskwento caravan na mabigyan ng access ang mga consumer sa basic goods, at prime commodities sa mababang presyo.
Unang nagkaraoon ng kahalintulad na aktibidad sa mga bayan ng Mercedes at Daet liban pa ang ginanap sa Provincial Office ng DTI.
Nagsimula ang aktibidad alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Ayon sa DTI, pinupuntahan nila ang iba’t- ibang bayan katuwang ang mga retailers upang ilapit sa mga tao ang murang produkto.
(photo courtesy: MAO Basud)

