Oil price hike, asahan sa January 11

Magpapatupad ang mga kompanya ng langis ng panibagong round ng oil price hike sa ikalawang sunod na linggo.

Sa magkakahiwalay na advisories ay sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na magtataas sila ng presyo ng gasolina ng 75-centavos kada litro.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Aakyat rin ang halaga ng diesel ng P1.10 kada litro at kerosene ng 90-centavos kada litro.

Hindi naman i-implementa ang bagong presyo ng kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Ipatutupad rin ng Cleanfuel at Petro Gazz ang mga parehong pagbabago, maliban sa Kerosene na hindi nito binebenta.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Magiging epektibo ang mga pagbabago ng alas-sais ng umaga ng January 11, maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng mga presyo ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.