CAMARINES NORTE – Nilinaw ng Department of Education na hindi ‘physically required’ na pumasok sa paaralan ang mga guro sa October 31 at November 3 kahit hindi deklaradong special non- working day ang nabanggit na mga petsa.
Batay ito sa ipinalabas na bagong Memorandum ni Atty. Revsee Escobedo, Undersecretary for Operations ng DepEd nito lang Biyernes ng hapon na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Camarines Norte Division Information Officer Antonio Ahmad.
Nakasaad din sa Memorandum na inaatasan ang mga school head na ipatupad ang kanilang remote monitoring systems o procedures para masiguro na epektibong naipapatupad ang blended learning maging ito man ito ay modular o asynchronous sa mga nabanggit na petsa.
Una na ring nag abiso ang Division Office sa mga guro na ihanda ang mga estudyante sa blended learning bago pa man ang mga ito mag render ng election duty.
