MMC, ilalabas ang listahan ng mga lugar na puwedeng pasyalan ng mga bata

Ilalabas ng mga alkalde sa Metro Manila ang ang listahan kung saan lang puwede magpunta o mamasyal ang mga bata.

Itoy matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na makalabas ng bahay ang mga nasa edad 5 pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa naging pulong ng Metro Manila council, nagdesisyon ang mga alkalde sa capital region na sundin ang rekomendasyon ng IATF.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, dumaan naman ang rekomendasyon sa mga eksperto at Department of Health, at kailangan din ng mga bata na lumabas.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kaugnay nito, magtatalaga ng mga bantay sa mga tutukuying lugar para matiyak ang kapasidad ng lugar at masunod ang physical distancing ng mga bata.

Nilinaw naman ng IATF na hindi nila basta ibinaba sa 5 taong gulang ang mga pinapayagang makalabas ng bahay.// MHEL PACIA-TRINIDAD