DSWD – tiniyak pa rin ang tulong sa mga apektado ng El Niño

Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng El Nino phenomenon.

Ito’y kahit idiniklara na ng DOST Pagasa na tapos na ang El Nino sa bansa.

Sa panayam kay Gatchalian kaniyang sinabi nito na hanggat mayruong naiiulat na mga kababayan natin na apektado ng El Nino patuloy silang magbibigay ng tulong.

Nais kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos na walang mga kababayan natin ang hindi nabibigyan ng tulong.

Siniguro rin ni Gatchalian na may sapat na pondo ang gobyerno para dito at maging sa mga kababayan natin na maaapektuhan ng La Nina.

Inihayag ni Gatchalian na mamamahagi din ang DSWD ng tulong ng tig P10,000 bawat isa sa 5,000 beneficiaries sa Isabela.

Kabilang si Gatchalian sa grupo ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagtungo sa Isabela para pasinayaan ang isa sa pinaka malaking Solar Powered Pump Irrigation System sa Cabaruan, Quirino, Isabela kasama ang National National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA MARIIS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *