COMELEC – inispeksyon ang pagawaan ng automated counting machines ng MIRU systems

Nagtungo ang delegasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa South Korea upang bisitahin ang planta ng Miru Systems.

Sa pangunguna ni Comelec Chairman George Garcia, kasama sina Commissioners Aimee Ferolino at Nelson Celis, inispeksyon ng mga ito ang produksyon ng automated counting machines na gagamitin para sa nalalapit na halalan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, ipinakilala ni Garcia ang paggamit ng QR code upang matiyak ang transparency, accuracy, at consistency sa mga poll results.

Ito aniya ang isa sa mga innovations na nais ipatupad ng ahensya.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa pamamagitan aniya ng QR code at retirement ng transparency server, maita-transmit agad ang mga resulta direkta sa mga stakeholders.

Mababatid na ang Miru System ng South Korea ang siyang magma-manufacture ng mga equipment na gagamitin para sa 2025 midterm elections.