Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aprubado na ang pondo para sa second tranche ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Dahil dito, sinabi ni DSWD Erwin Tulfo, na isa na namang dalawang buwan ang ire-release ng DBM para Targeted Cash Transfer na naipangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, plano naman ng DSWD na idigitize ang pamamahagi ng cash assistance, kung saan hindi na cash ang ibibigay, sa halip ang gagawin ay QR-codes na lang.
Ayon kay Tulfo, ipapadala nila sa cellphone ang QR codes.
Pero kung low-tech naman ang cellphone ng isang benepisyaryo ay pwede naman umano sa pamamagitan ng reference number.
