NAGA CITY- Hinihintay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Bicol ang resulta ng assessment ng National Household Targeting Office sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay 4Ps Division Chief, DSWD Bicol Pricilla Saladaga sinabing 125 na libo ang 4Ps beneficiaries o 52% ng kabuohang bilang sa Bicol Region.
Oras na lumabas ngayong huling linggo ng Hulyo o di kaya unang linggo ng Agosto, makikita kung ilan talaga ang ga-graduate na at maalis sa mga makakakuha ng ayuda sa ilalim ng naturang programa. Ina-assess kung nabago na ang estado ng buhay. Ang mga mababakanteng slots na siyang ibibigay doon sa mga magiging bagong miyembro.
Pagpupunto pa ni Saladaga, noon pa man bawat ikatlong taon ay nagkakaroon ng listahanan.
Sa mga mananatili, pinaalala ni Saladaga na gamitin ang cash grant sa tama, sundin ang mga kondisyon, minomonitor aniya ito ng kagawaran sa pakikipag ugnayan sa Department of Education at Department of Health. Tinitinggan kung maayos ang grado ng bata at hindi laging luliliban sa klase. Kung buntis naman ang grantee dapat nagpapacheck up at hindi nanganganak sa bahay o hilot.
Sa ilalim ng 4Ps Law nakasaad na ang pantawid pamilya household ay maaaring manatli hanggang sa pitong taon.