CAMARINES NORTE- Umaabot pa sa 163, 114 o 31. 80 percent Cam Norteño ang hindi pa rin nababakunahan kontra COVID- 19.
Batay ito sa pinakahuling datos mula sa Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Huwedes, Hulyo 21.
May pinakamalaking porsiento pa rin ng hindi nababakunahan ay sa bayan ng Paracale na nasa 44. 66 percent na sinusundan ng Sta Elena na sa 42. 74 percent.
Habang sa bayan ng San Vicente ay nasa 2. 88 percent na lang ng kanilang target population ang wala pang bakuna.
Mababa pa rin ang mga nuturukan ng booster shot sa lalawigan na nasa 35. 791 o 6. 98 percent pa lang.
Sa labingdalawang bayan, ang Daet at San Vicente pa lang ang nakakalagpas sa sampung porsiento.
Mayroon nang 15, 230 o 16. 52 percent ang nabakunahan ng booster dose sa Daet habang 1, 283 o 14. 03 percent naman sa San Vicente.
Nasa 316, 733 o 61. 74 percent naman ang fully vaccinated na sa lalawigan.
Kung maalala ay una nang hinimok ng DOH at ng Provincial Health Office ang mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna na para sa proteksyon mula sa severe at critical case ng COVID- 19.
Ang mga nakatanggap naman ng kanilang primary dose lalo na sa nakalipas na tatlong buwan ay hinihimok na magpaturok na ng booster shot.
