Driver ng motor at backrider sugatan, matapos makabanggan ang isang truck sa Lucena City

Sugatan ang isang lalaki at isang babae matapos nitong maaksidente ng sinasakayang motorsiklo sa Barangay 3 Lucena City nitong Miyerkules, Abril 10.

Lumalabas sa imbestigasyon nakabanggan ng motorsiklo ang isang Van Truck sa intersection ng Enverga St. sa nasabing barangay.

Dahil sa pangyayari bumagsak ang driver ng motorsiklo at ang backrider nito sa kalsada at nagtamo ng mga sugat sa katawan na agad naman nalapatan ng lunas.

Samantala, nagkasundo naman ang dalawang panig sa mga usapin hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *