Biden: Pag-atake sa PH sa South China Sea, pwedeng mag-invoke ng Mutual Defense Treaty

Muling pinagtibay ni US President Joe Biden ang ‘ironclad’ defense commitment ng Amerika sa Pilipinas.

Sa opening speech ni Biden sa trilateral summit meeting, iginiit nito na ang anumang pag-atake sa Philippine aircraft, vessels at Armed Forces sa South China Sea ay pwedeng mag invoke sa Mutual Defense Treaty o MDT sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Nagpahayag din ng seryosong pagkabahala ang US official patungkol sa mga mapanganib at agresibong kilos ng China sa West Philippine Sea.

Gayundin sa nagaganap na militarization sa mga reclaimed features at walang batayang pag angkin sa South China Sea.

Binanggit din ni Biden na nag aalala rin sila sa paulit-ulit na pagharang ng People’s Republic of China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa paghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal.

Sa huli nanawagan ang US President sa China na sumunod sa 2016 arbitral ruling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *