KORONADAL CITY — HALOS hindi na nakilala ang isang tricycle driver na residente ng Koronadal City matapos itong nasunog sa nangyaring aksidente pasado alas-5 kaninang umaga sa Malapatan, Sarangani Province.
Kinilala ang biktima na si Anthony Abrasado, 37-anyos at residente ng Purok Pag-asa, Barangay Sto. Niño, nitong lungsod.
Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Reyna Sollano, live-in- partner ng biktima, nangyarin umano ang aksidente sa Purok Loot, Barangay Poblacion Malapatan, Saranggani Province, habang papunta sila sa nasabing lugar para makilibing sa kamag-anak na namatay.
Habang nasa biyahe, nabangga umano ang mga ito ng isang motorsiklo na minamaneho ni Aglobo Roy Dalongdong, 25-anyos at residente ng Barangay Labangal, General Santos City.
Dahil sa aksidente, nag-liyab umano ang tricycle at kasamang nasunog ang motorsiklong nakabangga sa mga ito.
Nasunog din umano ang driver matapos naipit ang paa nito sa tricycle at hindi na naka-alis.
Sa ngayon, nasa stable ng kondisyon si Sollano kasama ang anak ng mga ito at isa pang kasama na sakay ng nasabing tricycle habang nasa maayos na ring kalagayan ang driver ng motor.
