KORONADAL CITY — PINALAWIG hanggang Nobyembre 30 ngayong taon ang deklarasyon ng Modified General Community Quarantien sa lalawigan ng Sultan Kudarat ayon sa Executive Order na inilabas ng provincial government.
Ngunit sa ilalim ng EO No. 42, inalis na ang “No Movement Sunday”, odd-even scheme sa mga sasakyan at liqour ban sa buong probinsiya.
Ngunit muli namang ipinatupad ang curfew simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Pinapayagan na ring lumabas sa mga pampublikong lugar ang mga 18-anyos pababa at 65-anyos pataas, mga buntis at may comorbidities sa kondisyon na fully vaccinated ang mga ito laban sa Covid-19.
Pinapayagan narin ang 50% seating at venue capacity sa lahat ng mga indoor facilities habang 70% naman ang mga outdoor facilities kabilang na ang mga tourist distination sa probinsya.

