KORONADAL CITY — UMAABOT sa 48 mga Surfacing Personalities Involved in Drugs o SPIDS mula sa bayan ng Surallah ang nakapagtapos sa Community-Based Rehabilitation Program (CBRP).
Ayon kay Municipal Anti Drug Abuse Council o MADAC Focal Person Jamaica Tobias, ang nasabing mga SPIDS ay nagmula sa mga barangay ng Lamian, Lambontong, Veterans, Tubi-Ala, Canahay, Centrala, Colongulo, Talahik, Moloy at Dajay.
Pinangunahan ng MADAC sa tulong ng Municipal Health Office, Surallah PNP, MSWDO at PDEA-South Cotabato ang rehabilitasyon ng mga ito.
Layunin ng programa na matulungan ang mga individual na dating na sangkot sa illegal na droga na makabalik sa matiwasay na buhay at maka-rekober sa kanilang bisyo.
Isinagawa ang graduation ng mga ito sa Barangay Gymnasium ng Barangay Tubi-ala ng nasabing bayan.
