Drayber ng pekeng ‘7’ plate sa EDSA Busway – pinatawag na ng LTO

Iinimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang SUV na may pekeng protocol plate number 7, na nahuling iligal na dumaan sa EDSA Busway.

Tiniyak ng LTO na maglalabas sila ng Show Cause Order sa may-ari at driver ng SUV upang magpaliwanag sa mga natukoy na paglabag sa batas trapiko, tulad ng hindi pagsunod sa traffic signs at kawalan ng tamang kwalipikasyon sa pagmamaneho.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Nakikipag-ugnayan ang LTO sa DOTr-SAICT upang makuha ang karagdagang detalye ng nasabing puting SUV para matukoy ang nakarehistrong may-ari nito.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Makikipagtulungan din ang LTO sa tanggapan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagbabahagi ng mga impormasyon kaugnay sa nangyaring insidente.