Lolo nag-amok sa Davao Oriental, 3 kapitbahay patay

Tatlo ang patay habang tatlo rin ang isinugod sa pagamutan matapos mag-amok ang isang 67-anyos na lolo sa Barangay San Ignacio, Manay, Davao Oriental alas-5:00 ng umaga.

Sa interview ng Brigada sa mga kapitbahay ng suspek na lolo, kinatok pa nito ang bahay ng isang biktima at nang pinagbuksan ay doon na nito sinaksak.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang ibang biktima naman ay nakasalubong lamang umano ng suspek at bigla na lamang nanaksak.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Napag-alaman na may problema umano sa pag-iisip ang lolo at bago rin ito inaway ng kanyang misis na posibleng rason ng kanyang pag-aamok.