Drag racing sa North Cotabato bumalik, rider sumemplang

Maingay, malakas at nakabubulahaw na tunog, ito ang reklamo ng mga residente sa 114, Barangay Paco, Kidapawan City, sa North Cotabato.

Itoy dahil sa mayat-mayang illigal drag racing na ginagawa ng mga kabataan sa nasabing lugar.

Nitong huli, Martes ng gabi Agosto 20 nasaksihan ng mga concerned citizen ang grupo ng mga kabataang nakahilera sa gilid ng daan nag-aabang kung sino ang mananalo sa drag racing.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa isang bahagi ng video may isang racer ang sumemplang at tumilapon ng ilang metro.

Ang bahagi ng daan sa nasabing barangay ay paborito ng mga drag racers dahil sa mahaba at kaayaya-ayang kondisyon ng daan.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal sa lalawigan ng North Cotabato ang pagsasagawa ng drag racing dahil ilang kaso na rin ng aksidente ang naitala kasunod na humantong sa pagkasawi ng ilang mga drag racers at ilang sibiliyan na rin ang nadamay at nawalan ng buhay.