PNP, nagpaalala sa mga biyahero na mag-ingat sa salisi gang ngayong long weekend

Nagdagdag ng bilang ng mga pulis sa mga area of convergence para matiyak ang seguridad ng publiko ngayong long weekend.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nagbaba ng “reminders” ang Directorate for Operations sa lahat ng field commanders sa pagpapaigting ng seguridad partikular sa mga bus terminal, pantalan at mga pasyalan para alalayan ang mga pasahero.

Read More:  4th Atin Ito Coalition civilian mission in the WPS declared successful

Mayroon din ipakakalat na K-9 dogs upang matiyak na walang kontrabandong makakalusot.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Nagpaalala rin ang PNP sa mga biyahero na mag-ingat sa salisi gang, mandurukot at snatcher at iwasan ng magdala ng mamamahaling gamit upang hindi mabiktima ng mga masasamang loob.