DOTr, inanunsyo ang extension ng Libreng sakay sa MRT-3 hanggang Mayo

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na extended ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang ika-30 ng Mayo ngayong taon simula 4:40 ng umaga hanggang 10:10 ng gabi.

Layunin ng programa na patuloy na tulungan ang ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at petrolyo.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Matatandaang nagsimula ang naturang serbisyo noong ika-28 ng Marso na nakatakda sanang magtapos ngayong Sabado, ika-30 ng Abril.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, umabot na sa 7,227,434 ang mga pasaherong nakaranas ng nasabing programa ng pamahalaan. || ARGIE ERGINA