DOTr – handang tumalima sakaling ipa-suspinde ng SC ang pag-impound sa mga unconsolidated PUVs

Muling umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa mga unconsolidated jeepeneys na ‘wag nang bumiyahe pa.

Ito ang sinabi ni DOTr Usec. Andy Ortega matapos ang mga inihaing petisyon sa Korte Suprema para ipagpaliban na muna ang pagi-impound sa mga jeepney units na ‘di nakapagpa-consolidate.

Sa kabila nito, sinabi ni Ortega sa panayam ng Brigada NewsFM Manila na handa pa rin naman silang tumalima sa ano mang magiging desisyon ng SC.

Maalalang hindi pa naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema hinggil dito, pero pinagkumento na ng Kataastaasang Hukuman ang DOTr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *