Committee report hinggil sa pag-shutdown sa mga POGO sa bansa naipadala na ng Senado sa Malacañang

Ibinahagi ni Senador Win Gatchalian na tuloy-tuloy lang sila sa pagkuha ng mga dokumento tungkol sa pagkatao at nasyonalidad ni Mayor Alice Guo.

Ito ay matapos maiugnay ang alkalde sa kamakailan lang na ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban, Tarlac.

Anya, kumukuha na rin sila ng dokumento upang maberipika ang impormasyong galing kay Guo.

Samantala, naipadala na rin umano nila sa Malacañang ang kanilang committee report hinggil sa pag-shutdown sa mga POGO operations sa bansa.

Maliban pa roon, positibo naman din siyang makakatanggap ng suporta mula sa mababang kapulungan at mataas na kapulungan ang kanilang ginagawang batas na naglalayong i-ban ang POGO sa pag-ooperate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *