LEGAZPI CITY – Inihayag ni Atty. Ma. Austria Bo Bonao, ang supervisor ng Commission on Election (COMELEC) na magkakaroon din ng sariling botohan ang mga person deprived of Liberty (PDL) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon Kay Bonao, dalawang klase ang maaaring scenario na makapagboto ang mga PDL.
Una, escorted voting sa mga PDL kung kukuninito sa pasilidad at dadalhin sa mga voting centers upang makapagboto.
Papayagan ang mga bjmp personnel na magdala ng kanilang mga baril bilang proteksyon.
Pangalawang scenario na mangyayari, kukunin ng mga ito ang voting counting machine (VCM) patungo sa kulungan para sa pagboto sa araw mismo ng election.
Nilinaw din ng mga ito na ang makakapagboto ay mga nakarehistro sa comelec.
Tanging mayroon lamang na kulungan na magkaroon ng election para sa mga PDL ay Bjmp Legazpi at Tabaco.
Samantala, mayroon din umano na special lane ang mga PWD at mga buntis na Ina.
Tanging ginagawa ng mga ito ay nagkakaroon ng palitan sa pagpasok sa precints upang maging patas rin ang pagtrato sa mga walang kapansanan at PDL.
Tiniyak ng tanggapan na maayos na linya at holding area para sa pagboto sa kulungan at paaralan sa lalawigan.