DOST: Ivermectin clinical trials, sisimulan sa June

Maglalaan ang gobyerno ng P22-million para sa pagsasagawa ng 8-month clinical trial para sa ivermectin, kung saan ay aalamin kung may kakayahan ito na labanan ang COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña, sasagutin na ng Department of Health ang gastusin para sa trials.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Pangungunahan naman ni Dr. Aileen Wang ng UP-PGH Department of Medicine ang panel na hahawak sa trial na tatakbo mula June hanggang January 2022.

Ipinunto ni Dela Peña na susuriin ang anti-parasitic drug para sa efficacy, safety, at effect nito sa 1,200 asymptomatic at non-severe Filipino COVID-19 patients, na 18 anyos pataas.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Samantala, nakikipag-ugnayan naman ang DOST kay Senator Richard Gordon at Philippine Red Cros para sa mga pasilidad na gagamitin sa ivermectin trials.