Magdadagdag ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng quick response (QR) code sa identification cards (ID) ng mga manggagawa, sa layuning lalo pang maprotektahan ang mga transaksyon ng TUPAd workers.
Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay community-based package na tulong, na nagbibigay ng emergency employment para sa displaced workers, underemployed at seasonal workers.
Ayon kay DOLE Undersecretary Ana Dione, nag-utos na umano si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mahigpit na pagpapatupad sa QR-coded ID scheme.

Binigyang diin ni Dione na ang QR code ay magtitiyak na ang taong kukuha ng kanyang bayad ay isang TUPAD worker. //MHEL PACIA-TRINIDAD