DOJ review sa drug war cases, ‘grossly insufficient’ – lawyers group

Binatikos ng grupo ng mga abogado ang Department of Justice (DOJ), matapos silang maglabas ng report na kinabibilangan lang ng 52 kaso ng mga pagpatay mula sa madugong war on drugs ng Duterte administration.

Batay kasi umano sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, binigyang diin ng Free Legal Assistance Group (FLAG) nasa 6,191 deaths ang mga napaulat mula August 31, 2021.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Giit ng grupo, ang review sa naturang mga kaso ay ‘scratches’ lang sa ibabaw, at labis na kulang at inconsistent sa commitments ng gobyerno sa ilalim ng international law na magbigay ng epektibong review sa mga kaso na kinabibilangan ng umano’y extralegal killings.

Pagpupuna naman ni Atty. Chel Diokno, human rights lawyer at national chairperson ng grupo, na ang umano’y “judicious review” ay bigong makapagbigay ng “useful information” na makakatulong na mapanagot ang mga offenders at mabunutan ng tinik ang pamilya ng mga biktima.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Kaugnay nito, hinimok ni Diokno ang DOJ na imbestigahan ang lahat ng natitirang kaso kabilang na ang mga ibinunyag ng pangulo, at gumawa ng susunod na logical step. //MHEL PACIA-TRINIDAD