DOJ tutukuyin na ang mga tumulong sa pagtakas ni Alice Guo

Matutukoy na ng Department of Justice ang mga personalidad sa kung sinu-sino ang mga tumulong sa pagtakas ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Miko Clavano, DOJ Spokesperson, nabatid na patapos na ang imbestigasyon ukol dito, aniya nag-usap na sina DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at Pangulong Bongbong Marcos at may tinutumbok na silang magkakasabwat sa pagtakas ni Alice Guo sa bansa.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe
Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Aniya, maghintay na lamang ng ilang araw, may mga tinatapos pang beripikasyon ang ahensya.

Nangako naman si Clavano na magiging “transparent” ang DOJ sa nasabing usapin.