Aprubado na ang taas-sahod sa CALABARZON at sa Central Visayas.
Sa CALABARZON – may itataas na P75 sa daily wage.
Dahil dito, maglalaro na ang minimum wage sa P450 hanggang P560 sa non-agricultural sector.
Epektibo ito sa September 30.
Sa Central Visayas naman, may umentong P43 sa sahod.
Iisa na lang ang wage rate sa non-agricultural at agricultural sector, pero nakahati sa area ang classification. Naglalaro ang minimum wage sa rehyon mula P453 hanggang P501.
October 2 naman ang effectivity sa Central Visayas.