Economic Status kailangang tingnan kaugnay sa pagpapareview ng NCPC hinggil  sa tax increase sa lungsod – Konsehal

NAGA CITY – Kailangang tingnan muna ang Economic Status ngayon, bago magkaroon ng adjustment sa buwis sa Naga City.

Ito ang binigyang diin ng dalawang Konsehal sa lungsod hinggil sa pagpapareview ng Naga City People’s Council sa pagpapataas ng buwis sa lungsod.

Ayon kay City Councilor, Joe Perez, bilang Committee Chair ng Tourism and the Arts, sa larangan na rin ng pagnenegosyo, hindi kailangan na taasan ang buwis lalo na sa panahon ngayon na hindi pa tuluyang nakakabawi ang ilan sa mga negosyante, mahal pa ang mga bilihin at higit sa lahat hindi prayoridad ngayon ng Sangguniang Panglungsod.

Pinaboran naman ito ni City Councilor, Buddy Del Castillo, Committee Chair ng City Properties, na dapat magbabase pa rin sa pangangailangan, kondisyon ng ekonomiya at market value, hindi lamang ang lungsod maging sa Camarines Sur, dahil sa panahon na tumaas ang buwis sa lungsod at walang paggalaw sa probinsya, kawawa ang Naga mawawalan ng mga negosyante na ito ang dapat na makita at mapag-aralan ng NCPC.

Una na ring nagpahayag ang Alkalde, na walang pagtaas sa buwis sa lungsod dahil ang anumang pagtaas makaka-apekto sa ekonomiya ng lungsod.

Kaugnay nito, bukas pa rin ang Sanggunian hinggil sa rekomendasyon ng NCPC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *