DOJ, inaaral ang pagsasampa ng class suit para sa mga responsable sa oil spill sa Bataan

Tinitingnan ngayon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paghahain ng class suit laban sa mga taong responsable sa Bataan oil spills, na ngayon ay umabot na sa Cavite.

Ito ay matapos ang kanyang pakikipagpulong sa Oil Spill Inter-Agency Committee na dinaluhan nina Cavite Governor Jonvic Remulla, Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, at iba pang mga government officials.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ayon kay Remulla, pinag-aaralan na nila ang anggulo ng class suit na inihain ng mga mangingisda laban sa mga may-ari at iba pang responsable sa tumagas na langis.

Magiging tuloy-tuloy aniya ang demandahang mangyayari dito dahil may nakita talagang krimen na ginawa.

Mababatid na sunod-sunod ang nangyaring insidente kung saan lumubog ang MT Terranova na naglalaman ng 1.4M liters ng industrial fuel; ang paglubog din ng MTKR Jason Bradley na may dalang 5,500 liters ng diesel; at pagsadsad naman ng MV Mirola 1.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Naniniwala ang kalihim na ang mga vessels na ito ay interconnected, lalo na ang naunang dalawang barkong lumubog.

Sa huli, binigyang-diin ni Remulla na aabot sa P12M a day ang nawawalang kita ng mga mangingisda sa Cavite dahil sa oil spill.