BFAR mahigpit na binabantayan ang bagsakan ng isda kasunod ng oil spill sa Bataan

Mahigpit na binabantayan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga bagsakan ng isda sa Metro Manila at kalapit na lugar.

Ito ay para matiyak na walang makalulusot na mga isda na posibleng kontaminado ng nangyaring oil spill sa Bataan.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ayon kay DA Asec. Arnel de Mesa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang sensory testing at evaluation sa mga ibinabagsak na isda sa Navotas at iba pang fish port.

Layon nitong alamin kung kontaminado ang isda ng tinatawag na polycyclic aromatic hydrocarbons o PAH na galing sa petrochemicals na posibleng mag dulot ng food poisoning.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Mas mataas din anya ang banta ng PAH sa mga shellfish tulad ng tahong, talaba, mud crab, at mga clams.

Una nang ipinagbawal ang pangingisda sa may Noveleta at Rosario sa Cavite dahil sa traces ng petrochemicals.