Nagbabala ang Bureau of Fishes and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko hinggil sa mga mahuhuling isda mula sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Sa bulletin ng BFAR, sinabi nitong hindi pa rin ligtas para sa human consumption ang mga isdang makukuha sa mga lugar na may tumagas na langis.
Ang precautionary measure umanong ito ay ipinaaalala sa publiko para maiwasan ang mga insidente ng food poisoning na resulta ng mga kontaminadong pagkain.
Samantala, nagpapatuloy ang isinasagawang fish sampling ng ahensya sa mga katubigan ng Region 3, CALABARZON, at National Capital Region upang malaman kung ang mga isda at ibang seafoods sa areas na ito ay kontaminado.
Mababatid na lulan ng Motor Tanker Terranova ang 1.4 liters ng industrial fuel nang lumubog ito sa bahagi ng Bataan noong nakaraang linggo.