DOJ – iimbestigahan na rin ang naging panawagan ni ex-speaker Alvarez

Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang isang imbestigasyon sa naging pahayag ni Cong. Panataleon Alvarez upang matukoy kung umabot na ba ito sa lebel ng Sedition, Inciting to Sedition, o rebelyon.

Ayon kay Remulla, nais niyang paalalahanan ni Alvarez to kumilos nang maayos at naaayon sa standards ng ethics, morality, at nationalism.

Sinabihan niya rin ito na iwasan ang pahayag na hindi magpapakita na siya ay miyembro ng Kamara.

Mababatid na hinimok ni Alvarez ang PNP at AFP na bitawan na ang kanilang pagsuporta kay Pangulong Bongbong Marcos.

Bukod dito, pinagpapaliwanag na rin ng Philippine Navy si Alvarez hinggil sa bintawan nitong pahayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *