Airport porter, nagsauli ng $10K dolyar sa turistang Koreano

Nagsauli ng sampung libong dolyar sa isang koreanong turista ang airport porter na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon kay Colonel Levy Jose ng Airport Police Department, habang kinukuha ni Victor Perez ang push cart na may lamang mga bagahe sa arrival extension area noong sabado ay natagpuan nito ang bundle ng pera sa ibabaw ng push cart na naglalaman ng isandaang piraso ng tig 1-thousand dollars o 10-thousand dollars o higit pa sa P500-thousand pesos.

Agad na ipinaalam ni Perez sa kaniyang supervisor para maturn over sa lost and found section ng Airport Police Department sa NAIA Terminal 1.

Sa pagreview ng CCTV, nakilala ang pasahero na si Jar Koo Lee, 60-years old na bagong dating na pasahero ng Asiana Airline mula Incheon (Inchuin) South Korea.

Pinuri naman MIAA General Manager Eric Ines si Perez dahil sa pagsunod nito sa airport protocol.

Aniya si Perez ang modern day hero na dapat tularan ng lahat ng mga empleyado sa paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *