DOJ, giniit na hindi pa lusot ang PCG at MARINA sa paglubog ng tatlong barko sa Bataan

Iginiit ng Department of Justice na hindi pa rin lusot sa imbestigasyon sa tatlong barkong lumubog sa Bataan ang ilang opisyal at tauhan ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ayon kay DOJ Usec. Raul Vasquez, iimbestigahan pa ng National Bureau of Investigation ang pananagutan ng PCG at MARINA kaugnay sa paglubog ng MT Terra Nova, MV Mirola, MT Jason Bradley.

Kailangan aniya ipaliwanag ng PCG at MARINA kung paano napadpad sa Mariveles ang MV Mirola na nakaangkla sa lugar na wala namang makina.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Tiniyak naman ni Vasquez, na pagbabayarin ng kompensasyon ang mga responsible sa oil sill sa Bataan, Batangas, at Cavite.